Google
 

Saturday, March 29, 2008

Buhay Aroma Beach

Kung ikaw ay residente ng San Jose, Occidental Mindoro konti lang ang lugar na puwede mong kagyat na pasyalan lalo na kung ikaw ay walang wheels katulad ko, hanggang Municipal Plaza o malamang pinakamalayo na ang Aroma Beach sa iyong mapapasyalan, at lately meron nang Jollibee. Pero kung wala ka namang pera o kaya'y hindi ka naman kakain plaza at beach ka lang. Kaya nitong huli at malapit na naman ang tag-kiriwi o yung annual lean season dito sa Occidental Mindoro na dahil ubos na ang kinita sa palay o wala nang maibentang palay eh wala na rin purchasing power ang mga tao dahil kalakhan ng ekonomiya ay naka-asa sa palay, na ang karamihan namang sakahan ay rain fed lang o yung walang irigasyon. Kaya nitong mga huling linggo eh panay beach na lang rin ang napupuntahan ko.

Marami rin akong napansin sa beach na hindi ko napapansin dati o ngayon ko lang nakita, isa na rito ang ang pagkakatakip ng fog sa Iling Island at Sta. Teresa at maging ang bandang dulo ng Caminawit na halos hindi mo na makita dahil sa kapal ng fog. Sabi ng isang gurong eccentric na nakausap ko doon sa beach eh epekto daw yun ng pagkatunaw ng mga glaciers at ang lamig na dati eh nasa temperate regions eh pumunta na sa tropical regions, medyo hebigats ba ang theory nya? Hindi ko pa nasaliksik sa Internet ang sinabi nya sa aking iyon, pero ang kakaibang klima nga natin ngayon eh epekto na rin nga cguro ng Global Warming, tulad ngayong summer dito sa Occidental eh napakainit pag tanghali pero relatibong malamig pag madaling araw kumpara noong mga huling summer kahit na madaling araw eh napaka-init pa rin.

Napansin ko rin ang malumot na dagat, hindi ko matandaan dati kung malumot nga ba ang dagat sa dalampasigan pag summer ang natatandaan ko lang eh minsan maraming sea weeds pero pag tag-ulan ata yun hindi summer. Pero ngayon eh lumot na talaga, hindi ko matandaan kung nakita ko na ang dagat na ganito dati, mahirap talaga ang tumatanda nagiging makalimutin. O baka Seaweeds din naman ang tawag sa ganitong lumot, pero iba klaseng seaweeds ito kung ganun hindi tulad nung makikita mo sa Iling Island o sa Ambulong Island pag nag-iisnorkling ka.

Meron din akong nakitang napakalaking salabay o jellyfish, sayang at inalis na sa tubig noong nakita ko at nagka-hatihati na ang katawan, niligay ko pa nga sa tabi ng jellyfsih ang tsinelas kong Islander na Size 10 para makita nyo kung gano talaga kalaki tong jellyfish na ito. At medyo nagkatumpok nga ng konti ang mga naroon para tignan ang napakalaking jellyfish. Isa lang din ang kanilang reaksyon "ngayon lang ako nakakita ng ganyang kalaking salabay" ika ng isa , "ako rin" sagot naman ng kanyang kasama. Ang kati siguro nyan pag nadikit syo sabi naman ng GF ko.

At last but not the least eh nagkalat pa rin ang iniiwang basura ng mga nag-pupunta roon mabuti sana kung lahat ng mga iyon eh biodegradable eh kaso mo nagkalat pati ang mga plastics. Dapat kapag nakikinabang sa kagandahan ng kalikasan ang isang tao katulad ng mga bumibisita sa Aroma Beach eh alam rin nila itong pangalagaan.






Thursday, March 20, 2008

Are Judge Ma.Teresa Yadao & Agnes Quintos related?

There's a claim then by the Villarosa camp that Agnes Quintos, the mother of the victims in the infamous & controversial Quintos Double Slay is a relative of Judge Teresita Yadao, to what degree of consanguinity or affinity they didn't provide any details or I entirely missed it.

I forgot about it thinking they are just sour graping, but today being Holy Thursday I got a lot of time on my hands and the Quintos Double Slay being hot news again, I remembered that claim and try searching about any evidence in the web. And these are the interesting excerpts from two different web pages I stumbled upon:
"Tesorio, a member of the National Union of Journalists of the Philippines and a former correspondent of the Philippine Daily Inquirer, was released from detention at around 7 p.m. After posting bail at 9 a.m., Tesorio had to wait for the release order of Quezon City Branch 81 Judge Ma. Teresa dela Torre Yadao who is reportedly known to sign release orders only at 3 p.m. Yadao signed the release order at 5 p.m. and Tesorio was released from detention at around 7 p.m."
bold emphasis are mine

Source click here or for easy verification since the first strings I used in Googling before was just Judge+Yadao, but since we already know her middle(?) or maiden name(?) now just try searching Judge Ma. Teresa dela Torre Yadao on Google.

And here's for Agnes Quintos, Ding's wife:

"The Deed of Mortgage executed by GCFI in favor of NIDC,with Ricardo Quintos as accommodation mortgagor, the Pledge Agreement by Ricardo Quintos as stockholder, pledging his shares of stock in favor of NIDC, the Surety Agreement,with Mr. Quintos as surety, and the Deed of Undertaking, with Mr. Quintos as one of the obligors, all of these contracts executed on December 19, 1975, and with the conformity of Mr. Quintos’ wife, Agnes dela Torre."

bold emphasis are mine

Source click here

Obviously we need more than these to conclusively conclude if the two are really related and for that we need the resources or help of the mainstream media, but I couldn't help to ask did the mainstream media missed these? Or was it I who missed it being tackled in the mainstream media.

Saturday, March 1, 2008

Silent War Zone

While No Fly Zone was implemented on Makati's Business District yesterday afternoon, the familiar sounds of military choppers filled the air dito sa San Jose, Occidental Mindoro. May tsismis kasi na walong Philippine Army na ang namamatay since nagsimula ang encounter/operation ng PA against the NPA which started two weeks ago if I remember right, including--according to a reliable source--a Commanding Officer of the Army, of what rank cannot be determine.

Nagtataka lang ako kung ba't walang balita sa Mainstream Media, baka my withholding of information, mahilig naman kasi ang Army na huwag ipaalam sa media kung hindi sila makakapogi points. But with the almost everyday sounds of war filling the air and my personal sighting of two APC vehicles, I can reasonably assume galit na galit ang mga Army. Ang kawawa lang dito lagi eh yung mga sibilyan na nadidisplace pag may ganitong mga malakihang military operation, karamihan sa mga nadidisplace eh yung mga kababayan nating mga Mangyans.

Here are some photos of the Mangyan evacuees displaced by war, taken by an NGO during their relief mission:












No Fly Zone

Suddenly No Fly Zone ang Makati Business District kahapon para siguro hindi mapakita ng media sa ere kung gaano karami ang nanawagan na magbitiw na sa puwesto si GMA at mahikayat pa ang ibang tao na nanonood sa TV na sumama rin. Malaki kasi ang discrepancy between estimate ng pulis at ng Organizers, BAYAN & Binay put it at 80, 000 while the police put it at unbelievable 15,000 only. Between the two , mukhang mas malapit ang estimate ng organizers sa true figure. Dagdag pa ang No Fly Zone order ng ATO in an attempt to prevent an independent estimate.