Kung ikaw ay residente ng San Jose, Occidental Mindoro konti lang ang lugar na puwede mong kagyat na pasyalan lalo na kung ikaw ay walang wheels katulad ko, hanggang Municipal Plaza o malamang pinakamalayo na ang Aroma Beach sa iyong mapapasyalan, at lately meron nang Jollibee. Pero kung wala ka namang pera o kaya'y hindi ka naman kakain plaza at beach ka lang. Kaya nitong huli at malapit na naman ang tag-kiriwi o yung annual lean season dito sa Occidental Mindoro na dahil ubos na ang kinita sa palay o wala nang maibentang palay eh wala na rin purchasing power ang mga tao dahil kalakhan ng ekonomiya ay naka-asa sa palay, na ang karamihan namang sakahan ay rain fed lang o yung walang irigasyon. Kaya nitong mga huling linggo eh panay beach na lang rin ang napupuntahan ko.
Marami rin akong napansin sa beach na hindi ko napapansin dati o ngayon ko lang nakita, isa na rito ang ang pagkakatakip ng fog sa Iling Island at Sta. Teresa at maging ang bandang dulo ng Caminawit na halos hindi mo na makita dahil sa kapal ng fog. Sabi ng isang gurong eccentric na nakausap ko doon sa beach eh epekto daw yun ng pagkatunaw ng mga glaciers at ang lamig na dati eh nasa temperate regions eh pumunta na sa tropical regions, medyo hebigats ba ang theory nya? Hindi ko pa nasaliksik sa Internet ang sinabi nya sa aking iyon, pero ang kakaibang klima nga natin ngayon eh epekto na rin nga cguro ng Global Warming, tulad ngayong summer dito sa Occidental eh napakainit pag tanghali pero relatibong malamig pag madaling araw kumpara noong mga huling summer kahit na madaling araw eh napaka-init pa rin.
Napansin ko rin ang malumot na dagat, hindi ko matandaan dati kung malumot nga ba ang dagat sa dalampasigan pag summer ang natatandaan ko lang eh minsan maraming sea weeds pero pag tag-ulan ata yun hindi summer. Pero ngayon eh lumot na talaga, hindi ko matandaan kung nakita ko na ang dagat na ganito dati, mahirap talaga ang tumatanda nagiging makalimutin. O baka Seaweeds din naman ang tawag sa ganitong lumot, pero iba klaseng seaweeds ito kung ganun hindi tulad nung makikita mo sa Iling Island o sa Ambulong Island pag nag-iisnorkling ka.

Meron din akong nakitang napakalaking salabay o jellyfish, sayang at inalis na sa tubig noong nakita ko at nagka-hatihati na ang katawan, niligay ko pa nga sa tabi ng jellyfsih ang tsinelas kong Islander na Size 10 para makita nyo kung gano talaga kalaki tong jellyfish na ito. At medyo nagkatumpok nga ng konti ang mga naroon para tignan ang napakalaking jellyfish. Isa lang din ang kanilang reaksyon "ngayon lang ako nakakita ng ganyang kalaking salabay" ika ng isa , "ako rin" sagot naman ng kanyang kasama. Ang kati siguro nyan pag nadikit syo sabi naman ng GF ko.

At last but not the least eh nagkalat pa rin ang iniiwang basura ng mga nag-pupunta roon mabuti sana kung lahat ng mga iyon eh biodegradable eh kaso mo nagkalat pati ang mga plastics. Dapat kapag nakikinabang sa kagandahan ng kalikasan ang isang tao katulad ng mga bumibisita sa Aroma Beach eh alam rin nila itong pangalagaan.
1 comment:
Adventure tayo!
Post a Comment